MANILA, Philippines – Hinalughog ng mga awtoridad ang isang bahay sa loob ng subdivision sa Angeles City, Pampanga na pinaniniwalaang pinagtataguan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang operasyon.
Ayon kay Barangay Balibago chairman Joseph Ponce sa panayam ng DZBB na nagsimula ang operasyon alas-6 ng umaga.
Ang ari-arian na ginalugad ay napaulat na pagmamay-ari ng tiyuhin ni Senador Robin Padilla.
Hindi nakita ng mga awtoridad si Dela Rosa sa lugar ngunit nakita ang mga sasakyan na iniuugnay sa senador.
Hindi pa nagbibigay ng karagdagang impormasyon ang CIDG kaugnay nito. RNT/JGC