Home METRO Tanod sinaksak ng senglot sa Brgy. Outpost

Tanod sinaksak ng senglot sa Brgy. Outpost

35
0

BULACAN, Philippines – Sugatan ang isang tanod matapos saksakin ng lalaking nasa impluwensya ng alak sa bayan ng Bocaue nitong Mayo 25.

Sa ulat ng Bocaue police station, naganap ang insidente ng pananaksak sa St. Martha Homes, Brgy. Batia.

Ayon sa imebestigasyon, walang kaabog-abog nang bigla umanong saksasakin ng lasing na suspek ang tanod na nasa Brgy. outpost.

Nabatid na muli sanang uundayan ng saksak ang biktima subalit mabilis na napigilan ang suspek ng mga tanod na naroroon hanggang sa tuluyan itong naaresto.

Agad isinugod sa ospital ang biktima para sa paunang lunas habang nasamsam din ang patalim na ginamit sa insidente.

Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here