MANILA, Philippines – Mainit na tatanggapin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vietnamese President Tô Lâm para sa two-day state visit nito sa Pilipinas sa Mayo 31 at Hunyo 1.
Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na sa bilateral meeting, pag-uusapan ng mga lider ang pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan, food security, tanggulan at maritime cooperation, edukasyon, turismo at people-to-people exchanges.
Ang makasaysayang pagbisita ay tanda ng unang state visit ni Tô Lâm, ang general secretary ng central committee ng ruling Communist Party ng Vietnam, sa Pilipinas simula nang mahalal siya bilang pangulo noong Abril.
Ang pagbisita ng Vietnamese head of state ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Maynila at Hanoi ng kanilang diplomatic relations at dekada ng ‘strategic partnership’ ng dalawang bansa.
Matatandaang ginawa ng Pangulo ang kanyang state visit sa Vietnam noong January 2024, kung saan nakapulong niya si dating President Võ Văn Thưởng at dating Prime Minister Phạm Minh Chính.
Sa naging pagbisita, tinintahan ng Pilipinas at Vietnam ang “rice trade cooperation, incident prevention and management sa South China Sea, agriculture, at cultural cooperation.”
Kapuwa may teritoryo ang Pilipinas at Vietnam sa South China Sea, kung saan iginigiit ng Tsina ang pag-aari nito sa teritoryo sa mga pangunahing lugar.
Ang Southeast Asian neighbor ay tahanan din ng mahigit sa 7,000 pinoy.
Ang Pilipinas ay mayroong embahada sa capital Hanoi ng Vietnam.
Nakatakda namang buksan ang Philippine Consulate General sa Ho Chi Minh (Saigon) sa kalagitnaan ng 2026, naglalayong pagsilbihan ang mga pinoy sa pinakamalaking metropolis ng Vietnam na matatagpuan sa southern region ng bansa. (KRIS JOSE)