Home NATIONWIDE Unang status conference sa kaso ni Duterte, isinagawa ng ICC

Unang status conference sa kaso ni Duterte, isinagawa ng ICC

40
0

THE HAGUE, Netherlands – Nagsagawa nitong Miyerkules ang International Criminal Court ng unang status conference para sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan inaasahang pag-uusapan ang petsa ng pagsisimula ng paglilitis at iba pang mahahalagang proseso.

Hinati ang conference sa tatlong sesyon sa oras ng Netherlands: 9:30–11:00 a.m., 11:30 a.m.–1:00 p.m., at 2:30–4:00 p.m.

Kabilang sa mga tatalakayin ang target na petsa ng trial, mga deadline bago ito magsimula, mga ebidensyang ihaharap, at Rule 68 procedures na nagpapahintulot sa paggamit ng dating naitalang testimonya sa ilalim ng ilang kundisyon.

Ayon kay Presiding Judge Joanna Korner, layunin ng criminal trial ang patas na pagtrato sa prosecution at depensa, paggalang sa karapatan ng akusado, at proteksyon sa mga testigo at biktima.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng mabilis at malinaw na presentasyon ng ebidensya at hinimok ang prosecutors na pabilisin ang ilang proseso.

“We’d like you to get on with it,” ani Korner.

Tatalakayin din sa conference ang language at interpretation needs, paglalabas ng ebidensya, translation at transcription issues, at witness protection measures.

Kasama rin sa agenda ang posibleng karagdagang insidente na isasama sa kaso, trial briefs, motions bago ang trial, at proseso para sa paghahanda ng mga testigo at vulnerable individuals.

Kinatawan si Duterte ng kanyang bagong legal team na sina Haynes at Kate Gibson.

Hindi dumalo si Duterte sa conference matapos magsumite ang kanyang kampo ng waiver na pinayagan ng ICC Trial Chamber III noong Mayo 25.

Kasama ni Korner sa pagdinig sina Judges Keebong Paek at Nicolas Guillou.

Nasa kustodiya ng ICC si Duterte mula pa noong Marso 2025 kaugnay ng crimes against humanity case na may kaugnayan sa war on drugs ng kanyang administrasyon at mga umano’y pagpatay noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Nauna nang sinabi ni Duterte na inaako niya ang responsibilidad sa anti-drug policies ngunit hindi sa bawat pagkamatay sa kampanya, kung saan mahigit 6,000 ang iniulat na nasawi sa police operations.

Ayon sa Rome Statute, kailangang dumalo ang akusado sa mismong trial, maliban na lamang sa ilang pambihirang sitwasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here