MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang 43 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱292.4 milyon sa Manila International Container Port nitong Lunes.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang nasabing shipment ay binubuo ng 129 rectangular packs ng shabu at kasalukuyang iniimbestigahan upang matukoy ang pinagmulan, target na tatanggap, at posibleng ugnayan sa lokal at internasyonal na drug trafficking groups.
Sa pahayag ni PDEA chief Undersecretary Isagani Nerez, ang matagumpay na interdiction ay patunay ng patuloy na pagtutok ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga sa bansa.
“Through strengthened inter-agency cooperation and intensified intelligence operations, we will continue to pursue and dismantle drug trafficking syndicates that threaten the safety and welfare of our communities,” aniya.
Patuloy na mahigpit ang pagbabantay sa mga pantalan sa bansa habang nagpapatuloy ang operasyon at case build-up laban sa mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng droga. RNT/MND