Home METRO Pekeng Pinoy arestado sa Palawan; Nigerian overstaying, tiklo rin sa Isabela

Pekeng Pinoy arestado sa Palawan; Nigerian overstaying, tiklo rin sa Isabela

53
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operasyon sa Isabela at Palawan bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga iligal at hindi kanais-nais na foreign nationals sa bansa.

Ayon sa BI, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Regional Intelligence Operations Units katuwang ang lokal na pulisya at iba pang law enforcement agencies, alinsunod sa direktiba ni Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa mga dayuhang lumalabag sa batas ng bansa.

Noong Mayo 11, inaresto sa Cauayan City ang 38-anyos na Nigerian national na si Joshua Esosa Osarhiemen dahil sa paglabag sa kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa matapos mapatunayang overstaying na ito sa Pilipinas.

Samantala, nasakote naman noong Mayo 12 sa Roxas ang 39-anyos na Chinese national na si Xu Haishen dahil umano sa pagpapanggap bilang Pilipino at pagiging banta sa public interest at national security.

Batay sa imbestigasyon, inamin umano ni Xu na gumagamit ito ng ibang identidad. Nadakip siya matapos makumpirma ng mga operatiba ang derogatory information laban sa kanya sa tulong ng iba’t ibang intelligence at security agencies ng gobyerno.

Kapwa isinailalim sa booking at documentation procedures ang dalawang dayuhan bago inilipat sa BI Warden Facility habang hinihintay ang deportation proceedings laban sa kanila.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ipinapakita ng operasyon ang mas pinaigting na kampanya ng BI laban sa mga dayuhang lumalabag sa immigration laws ng bansa.

“We are relentless in our efforts to locate, arrest, and deport foreign nationals who violate our immigration laws or attempt to deceive authorities,” ani Viado.

Nagbabala rin ang opisyal sa mga dayuhang nananatili sa bansa na mahigpit na sumunod sa immigration laws ng Pilipinas upang makaiwas sa posibleng pag-aresto at deportasyon. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here