Home NATIONWIDE Malakanyang, ‘clueless’ sa pahayag ni Leviste sa mga indibiduwal na nasa likod...

Malakanyang, ‘clueless’ sa pahayag ni Leviste sa mga indibiduwal na nasa likod ng pag-atake kay ES Recto

69
0

MANILA, Philippines – Walang ideya si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung saan nakuha ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang anyang impormasyon na maraming iba pang indibiduwal mula sa administrasyon ang nasa likod ng pag-atake laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Nauna rito, hiniling ni Leviste kay Recto na i-check ang loob ng administrasyon para sa kanyang mga kritiko sa halip na ‘magturo’ matapos na igiit ng huli na ang oposisyon o mismong si Leviste ang “utak” ng plunder complaints laban sa kanya.

“We have nothing to do with it, and we know nothing about where Congressman Leviste is coming from,” ayon kay Castro.

Nauna rito, naghain ng kasong plunder at technical malversation si doktor at public health advocateTony Leachon laban kay Recto at ilang Cabinet officials sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y ilegal na paglilipat ng PhilHealth funds.

Ayon kay Recto, isinagawa ang paglilipat alinsunod sa General Appropriations Act of 2024 at iniutos mismo ng Kongreso sa Department of Finance.

Dagdag pa niya, sinabi rin umano ng ilang mahistrado ng Korte Suprema na wala siyang criminal liability dahil “simply followed the law and implemented it in good faith.”

Muling iginiit ni Recto na wala siyang criminal liability sa paglilipat ng ₱60 bilyong PhilHealth reserve funds sa National Treasury at tinawag na “nuisance and harassment case” ang isinampang reklamo laban sa kanya.

“This is nothing but a nuisance and a harassment case. And it should not be tossed aside gently. It should be thrown out with great force,” ayon kay Recto. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here