MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Comelec Chairperson George Garcia ang pahayag ni Senador Imee Marcos tungkol sa umano’y posibilidad na walang halalan sa 2028.
Ayon kay Garcia, tiyak na matutuloy ang eleksyon dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon at naghahanda na ang Commission on Elections para rito.
“Election is certain in 2028,” diin ni Garcia.
Nauna nang sinabi ni Imee Marcos ang umano’y “no-el” o no election scenario para mapahaba ang panunungkulan sa gobyerno, ngunit agad itong itinanggi ng Comelec at Malacañang.
Sinabi rin ni Garcia na “100 percent” na magkakaroon ng halalan sa 2028 at tuloy-tuloy na ang paghahanda ng poll body para dito.
Samantala, sinabi rin ng Palasyo na sumusunod si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa batas at walang basehan ang alegasyon tungkol sa hindi pagdaraos ng eleksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden