Home NATIONWIDE Defense team ni VP Sara, sinita ng testigo sa paglalantad ng pangalan...

Defense team ni VP Sara, sinita ng testigo sa paglalantad ng pangalan ng revenue officers sa LOAs

1
0

MANILA, philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa impeachment court nitong Biyernes dahil nailantad sa publiko ang mga pangalan ng kanilang revenue officers matapos ipakita ng depensa sa screen ang mga confidential Letters of Authority (LOAs).

Ito ay matapos iharap ni defense counsel Kristine Ferrer ang mga LOA nina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio sa kanyang cross-examination.

Mula pa noong Huwebes, paulit-ulit na binanggit ni prosecution witness Anne Loraine Garcia-Marquez, Chief-of-Staff ng BIR Commissioner, na hindi dapat ibinubunyag sa publiko ang nilalaman ng mga LOA.

Habang hinihintay ang susunod na tanong ni Ferrer, humingi ng atensyon si Garcia-Marquez kay Presiding Officer Sen. Francis Escudero.

“Gusto ko lang pong i-raise, nung na-flash po yung copy ng LOA sa screen kanina…” sabi niya.

Agad na tiniyak ni Escudero sa testigo na hindi siya ang mananagot sa nangyari.

“Wala kang kagagawan doon,” ani Escudero.

“Dapat ni-redact”

Nilinaw ni Garcia-Marquez na ang ikinababahala niya ay ang paglantad ng mga pangalan ng revenue officers na dapat sana ay ni-redact o tinakpan.

“It should have been redacted,” sabi niya.

Tiniyak din ni Escudero na tatanggalin ang mga pangalan sa mga dokumentong isusumite sa korte.

“But it was already flashed on the screen. Ang concern ko doon, Your Honor, is the names, yun lang po,” pag-ulit ni Garcia-Marquez.

Mabilis namang nanigaw ang prosecution:“So we manifest, Your Honor, that has been a violation of the privacy of the people involved, Your Honor. Their names were flashed on the screen for everyone to see.”

“Touché again. The court will look into it, Attorney Ann, and shall consult with you before we excuse you,” tugon ni Escudero.

Ang LOA o Letter of Authority ay nagbibigay ng awtoridad sa mga examiner ng BIR National Investigation Division para magsagawa ng tax audit sa isang taxpayer. Nakasaad din dito ang mga pangalan ng mga opisyal na itinalaga para sa examination. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here