Home METRO Dedo sa gumuhong sanitary landfill sa Davao City, dalawa na

Dedo sa gumuhong sanitary landfill sa Davao City, dalawa na

81
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa dalawa ang nasawi sa insidente ng pagguho ng sanitary landfill sa Barangay New Carmen, Tugbok District, Davao City, habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap, ayon sa mga awtoridad nitong Miyerkules.

Natagpuan ng mga rescuers ang bangkay ng 78-anyos na si “Luisa,” na pinaniniwalaang natabunan sa naturang insidente noong Mayo 20. Dinala ang kanyang mga labi sa isang punerarya, ayon sa Davao City Police Office (DCPO).

Patuloy ang search and retrieval operations para sa isa pang nawawalang indibidwal.

Nangyari ang pagguho bandang alas-1:15 ng hapon noong Mayo 20 matapos umanong bumigay ang naipong basura dahil sa tubig na dulot ng malakas na ulan, na tumabon sa isang kalapit na bahay. Ang unang nasawi ay kinilalang 31-anyos na si Cristel.

Apektado rin ang mga residente sa paligid ng lugar, dahilan upang magsagawa ng profiling ang Department of Social Welfare and Development–Davao (DSWD-11) sa 22 pamilyang naapektuhan upang matukoy ang nararapat na tulong sa ilalim ng Pag-abot Program.

Layunin ng programa na matulungan ang mga naapektuhang pamilya sa pamamagitan ng livelihood assistance, financial aid, at tulong sa pabahay, habang pansamantalang nananatili ang mga ito sa evacuation gym sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here