Home ENTERTAINMENT Anak ni Dennis, naaksidente!

Anak ni Dennis, naaksidente!

68
0

Manila, Philippines – Mismong si Dennis Trillo ang nag-post sa Facebook na naaksidente ang kanyang anak na si Calix Ho.

Si Calix ay ang nag-iisa nilang anak ni Carlene Aguilar.

Ayon sa FB post ng Kapuso actor, na ngayon ay deleted na, nakatulog daw ang anak while driving.

“Kaninang 5 am, nakatulog habang nagda-drive mag-isa ang panganay ko. Bumangga siya sa island at tumaob ang kotse… total wreck!”

Bagama’t sumalpok ang sasakyan, si Calix simply sustained bruises.

Mabuti daw at walang nadamay o nadisgrasya pa.

Ani Dennis: “Walang tinamaang ibang kotse o ibang tao.”

Mga pasa sa ulo at braso ang tinamo ni Calix bukod sa namagang kaliwang kamay.

Aminado ang aktor na hindi lahat ay nakaka-come out lucky and unscathed mula sa car accident, kaya masuwerte daw ang anak.

Pero may leksyon na ibinahagi si Dennis para na rin sa lahat ng mga motorista: “Pag inaantok, huwag piliting mag-drive. Puwedeng mag-stop over muna para mag-unat o umidlip.”

Korek! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here