Home NATIONWIDE Pamilya ng biktima ng gumuhong gusali sa Pampanga, may cash aid sa...

Pamilya ng biktima ng gumuhong gusali sa Pampanga, may cash aid sa DOLE

55
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino ang Employees’ Compensation Commission (ECC), na attached agency ng DOLE, na magbigay ng Employees’ Compensation (EC) cash assistance at benepisyo sa mga kwalipikadong biktima at benepisyaryo na naapektuhan ng kamakailang pagguho ng gusali sa Angeles City, Pampanga.

Sa ilalim ng EC Program, magbibigay ang ECC ng ₱15,000.00 na agarang cash assistance sa mga benepisyaryo ng mga kwalipikadong namatay na manggagawa. Inatasan din ang ECC na asikasuhin ang aplikasyon para sa EC funeral benefit na nagkakahalaga ng ₱30,000.00 sa pamamagitan ng Social Security System (SSS), bukod pa sa regular na benepisyo mula sa SSS.

Maaari ring makatanggap ng EC death pension benefits ang mga kwalipikadong benepisyaryo, kabilang ang mga asawa at menor de edad na anak ng mga namatay na manggagawa.

Samantala, ang mga kwalipikadong nasugatang manggagawa ay maaaring makatanggap ng ₱10,000.00 cash assistance sa ilalim ng EC Program, at disability benefit na itatakda ng SSS.

Binisita ni DOLE Secretary Francis N. Tolentino ang ground zero site sa Angeles, Pampanga noong 27 Mayo, kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangan na repasuhin ang visitorial powers ng DOLE.

Tiniyak ng DOLE sa mga apektadong manggagawa at kanilang pamilya na nananatiling nakatuon ang Kagawaran, kasama ang ECC at mga partner agency, sa pagbibigay ng agarang tulong at pagtiyak na makakakuha sila ng mga benepisyo at serbisyong suporta kasunod ng insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here