Home HOME BANNER STORY K-12 sa Pinas, palpak; 87% ng Gr. 11 mahina sa pag-intindi sa...

K-12 sa Pinas, palpak; 87% ng Gr. 11 mahina sa pag-intindi sa binasa – Tinio

55
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na isang “failure” ang K-12 program sa Pilipinas, kasunod ng ulat ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2) na nagpapakita na 87 porsyento ng mga Grade 11 students ay hirap sa reading comprehension.

Ayon kay Tinio matapos ang pagdinig ng House committee on basic education, ipinapakita ng datos ang malawak at sistemikong problema sa edukasyon.

“Imagine, 88 percent of incoming Grade 12, Senior High School, or those entering the last year of their senior high school, are not proficient readers,” aniya.

“The problem is systemic. You cannot say that this is caused by one factor only, but by the entire system — from the incentives at all levels, from the individual, from the teacher level, to the school level, up to the entire system — that created this situation,” dagdag niya.

Ibinunyag din niya na may mga kaso ng pagpasa ng estudyante sa susunod na baitang kahit hindi natutugunan ang minimum competencies, kaya marami umanong nakaka-graduate pero hindi pa rin kayang umunawa ng binabasa.

“Basically, to keep the system running continuously, students have to be passed. That is what happens, but the result is that most graduates lack the competencies required of a senior high school graduate,” aniya.

Sa pagdinig, sinabi rin ng Edcom 2 na hindi pa ganap na natutugunan ng Department of Education (DepEd) learning recovery program na ARAL ang learning gaps dahil sa kakulangan sa tutoring at mababang attendance ng mga estudyante. Iminungkahi rin na posibleng kailanganing i-rethink ang Grade 12 sa ilalim ng strengthened senior high school program.

Ang K-12 program ay ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III upang iangat ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa 13-year pre-university standard. Ngunit ayon kay Tinio, hindi nito naresolba ang mababang antas ng literacy ng mga estudyante.

Nauna nang lumabas ang mga ulat ng UNICEF at PISA na nagpapakita ng mababang performance ng mga estudyanteng Pilipino sa reading, math, at science kumpara sa ibang bansa.

Iminungkahi ni Tinio ang pagtaas ng sahod ng mga guro, dagdag na mga guro, pagbabalik sa paggamit ng mga aklat, at mas makatotohanang grading system. Giit din niya ang mas maayos na training para sa mga guro.

Ayon naman kay House Committee on Basic Education Chair Rep. Roman Romulo, dapat tutukan ng DepEd ang pangunahing problema sa reading comprehension kaysa magpatupad ng bagong polisiya, at bumalik sa basic learning foundations.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tinatayang 18.96 milyong high school graduates noong 2024 ang itinuturing na functionally illiterate dahil marunong magbasa ngunit hirap umunawa ng binabasa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here