Home OPINION PBBM MAKABABAWI BA SA GRADONG LAGAPAK?

PBBM MAKABABAWI BA SA GRADONG LAGAPAK?

63
0

MAKABABAWI kaya si Pangulong Bongbong Marcos sa hindi pagiging masaya sa kanya ng halos lahat ng mamamayan?

Sa pangkalahatan, -15 ang satisfaction rating ng Pangulo noong katapusan ng Marso 2026 at mas mababa pa sa -3 na grado nito noong Nobyembre 2025.

Sa ibang salita, mas masama pa sa zero ang grado ng Pangulo.

Ang napakasaklap, mga Bro, halos lahat na ay hindi nasisiyahan kay PBBM mula Luzon hanggang sa Visayas at Mindanao, kasama ang Metro Manila.

Sa Luzon, mula sa +13, naging 2 na lamang; sa Metro Manila, mula -17 naging -31; sa Kabisayaan, mula +2 naging -15; at sa Mindanao, in the mula -29 naging -40.

Sa mga kalunsuran, ang grado niya ay bumagsak mula -14 sa – 20 at sa kanayunan, mula +9 sa – 9.

Heto pa ang masaklap sa parte ng kababaihan: Lalong bumagsak ang kanyang grado mula -6 sa -15 at lumagapak siya sa pagbagsak sa kalalakihan mula zero sa -16.

Sa edad, doon sa 25-34 years old siya lumagapak ng todo mula -17 sa -40.

Heto pa, pinakamalaki sa mga hindi nasisiyahan ang college graduates mula sa -14 sa -37; sa mga hindi nakatapos ng elementarya, ang +19 ay naging -3; sa elementary graduates, +10 sa -3; sa junior high school, -9 naging -21; at sa senior high school, naging -19 ang dating -14.

Kung iisipin, mag-aapat taon nang nanunungkulan si PBBM at sa panahong ito, dapat pataas nang pataas na ang kanyang grado sa paninilbihan sa lahat ng mamamayan.

Pero bakit bumulusok ang kasiyahan sa kanyang serbisyo sa lahat ng sulok ng bansa at sa halos lahat ng mamamayan?

Makababawi pa kaya ang Pangulo o lalong babagsak ang kanyang grado hanggang sa katapusan ng kanyang termino?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here