Home NATIONWIDE 6 na patay sa gumuhong gusali sa Pampanga

6 na patay sa gumuhong gusali sa Pampanga

57
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa anim ang nasawi sa pagbagsak ng isang siyam na palapag na gusaling under construction sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 3.

Sa inilabas na update nitong Biyernes, sinabi ng BFP na may isa pang bangkay na narekober mula sa gumuhong istruktura bandang 12:40 a.m. habang nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval operations.

“As of 12:40 a.m. today, BFP Special Rescue Force successfully extricated one unidentified body, marking the 6th casualty for the 9-storey collapsed structure incident at Angeles City,” ayon sa ahensya.

Ayon sa mga awtoridad, 14 katao pa ang nawawala habang 26 naman ang nailigtas mula nang gumuho ang gusali bago magbukang-liwayway noong Linggo.

Nauna nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na magpapatuloy ang rescue operations kahit nagdesisyon na ang ilang opisyal na ilipat ito sa retrieval operations matapos wala nang makitang senyales ng buhay noong Lunes ng gabi.

Natukoy rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibleng paglabag sa occupational safety and health standards sa construction site. Nauna nang isinailalim sa work stoppage order ng DOLE Region 3 ang proyekto dahil sa kakulangan sa safety measures ngunit kalaunan ay pinayagang magpatuloy matapos umano itong sumunod sa requirements ng ahensya.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here