Home NATIONWIDE Pakahulugan sa force majeure ni Padilla, sinopla ni Hontiveros

Pakahulugan sa force majeure ni Padilla, sinopla ni Hontiveros

72
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ni Senador Risa Hontiveros ang pananaw ni Senador Robin Padilla sa force majeure na puwedeng ikonsidera ang sigalot sa Gitnang Silangan, tensiyon sa pagitan ng US at China, at El Niño upang pangatwiranan na kailangan ang online participation sa sesyon ng Senado.

“Ano ba naman ‘yan? I mean, with all due respect, hindi po ‘yan mga force majeure,” ayon kay Hontiveros sa isang interview.

Sinabi ni Hontiveros na dapat magtulakan pa ang sigalot sa Gitnang Silangan at epekto nito sa presyo ng langis, na pumasok na pisikal sa trabaho at magpokus sa paglikha ng panukalang makatutulong sa apektado ng mataas na presyo.

“The China-Taiwan tension as well as global warming and climate change have long been monitored without requiring lawmakers to shift to online participation,” giit ng senadora.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkoles, sinabi ni Padilla na “War/gera/digmaan sa Gitnang Silangan na nagreresulta na ng terorismo sa iba’t ibang parte ng mundo, ang napipintong pagkadawit ng Pilipinas sa China-Taiwan conflict, hindi po ba ito force majeure?”

Ngunit, ayon kay Hontiveros, pinapayagan ang online voting base sa umiiral na Senate rules kung mayroong national emergency or force majeure tulad ng COVID-19 pandemic.

Naunang inihain ni Senador Rodante Marcoleta ang panukalang amendments sa Senate rules na payagan ang mga senador na dumalo ng sesyon online at bumoto sa pamamagitan ng teleconferencing, kaya nagkaroon ng debate sa isyu.

“There was no force majeure to justify such a proposal,” ani Hontiveros.

Sinabi pa ni Hontiveros na nakahanda ang Solid Bloc 11 sa panibagong debate sa isyu sa Lunes. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here