Home METRO 2 lola patay, 7 sugatan sa kotseng sumalpok sa puno

2 lola patay, 7 sugatan sa kotseng sumalpok sa puno

61
0

ILOCOS SUR – Tigok ang dalawang 60-anyos na lola samantalang 7 iba pa ang sugatan matapos bumangga sa puno ng mahogany ang sinasakyan nilang Toyota Innova sa Brgy. Caunayan, Pagudpud ng lalawigang ito nitong hapon ng Huwebes, Mayo 28.

Ayon sa Pagudpud Municipal Police Station, kabilang sa mga pitong sugatan ang 20-anyos na lalaki na driver ng Toyota Innova na residente ng Cauayan City, Isabela.

Isa sa mga nasawi ay residente ng Ilagan, Isabela samantalang ang isa pa ay residente naman ng Cauayan City, Isabela.

Base sa imbestigasyon, ang kotse ay bumibiyahe papuntang timog sa national highway sa nabanggit na lugar.

Pagdating nito sa padausdos o pababang parte ng kalsada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa puno ng mahogany na nasa tabi ng highway.

Resulta nito, ang driver at ang walong pasahero nito ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Agad namang naisugod sa ospital ang siyam na biktima.

Gayunman, dalawa sa kanila ang idineklarang dead on arrival. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here