MANILA, Philippines – Sinampahan ng Bureau of Customs (BOC) ng mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa Department of Justice (DOJ) ang isang kumpanya at mga opisyal nito na nasa likod ng natenggang mga Balikbayang boxes ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa BOC, ilang beses na nabigo ang Makati Express Cargo Inc. (MECI) na registered freight forwarder at deconsolidator na iproseso, claim, at pamahalaan ang paglabas ng consolidated Balikbayang Box shipment na dumating sa Manila International Container Port (MICP) Port of Cebu at Port of Davao mula 2024 hanggang 2025.
Sa rekord ng BOC, lumalabas na kabuuang 117 forty-footer containers na naglalaman ng 36,826 Balikbayang Boxes ang naiwan at hindi pa nakukuha at idineklarang abandonado dahilan para isyuhan ng Final Show cause order ang kumpanya.
Bukod dito, tinanggal na rin ang registration ng kumpanya sa bureau dahil sa paglabag sa Sections 1430 at 1403 ng CMTA na may kaugnayan sa Section 1226 at 800 at ang mga naaangkop na cuatons regukations na namamahala sa third-party registration, importer accreditation at conaolidated balikbayan box shipments. Jocelyn Tabangcura-Domenden