Home NATIONWIDE Domeng maaaring umabot sa typhoon category

Domeng maaaring umabot sa typhoon category

24
0

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Domeng sa taglay nitong 85 kilometro kada oras na hangin at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, ang Tropical Storm Domeng ay huling namataan 1,265 kilometro silangan ng southeastern Luzon at kumikilos sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Wala namang nakataas na wind signal sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahang palalakasin nito ang southwesterly windflow na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa simula Linggo.

Patuloy na lalakas ang Tropical Storm Domeng na maaaring umabot sa typhoon category bukas, Mayo 30 habang nananatili sa Philippine Sea.

Inaasahan naman itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Lunes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here