MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng mahigit P312.1 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Oktubre 28.
Lumabas sa Grand Lotto 6/55 ang winning combination na 36-21-16-26-49-13, ngunit walang bettor ang nakatama sa lahat ng anim na numero.
Wala ring nanalo sa P15 milyong jackpot ng Mega Lotto 6/45 matapos lumabas ang kombinasyong 19-40-37-01-14-29.
Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado, habang ang Mega Lotto 6/45 ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. RNT