MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinanood niya na may kasamang takot ang kamakailan lamang na gulo sa Senado at hindi kailanman naisip na ang legislative chamber ay bababa sa ganoong level.
Sa isang panayam, inurirat si Pangulong Marcos kung gaano siya kabahala sa kamakailan na nangyari sa Senado.
“I watched with horror that the Senate has become this,” anito.
Bilang dating senador, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-engkuwentro soya ng ganitong llse ng shakedown kung saan ang mga usapin ng mga personal ay umabot na sa personalan.
“The discourse had gone shallow,” dagdag na pahayag nito.
“Nothing like that happened during my time in the Senate,” aniya pa rin sabay sabing “I never imagined that the senate would descend into this kind of…what’s happening right now.”
Noong Mayo 13, habang nasa protective custody ng Senado si Dela Rosa at naka-lockdown ang gusali, may mga putok ng baril na narinig sa loob ng Senado.
Makalipas ang ilang oras at bago magmadaling araw ng Mayo 14, tuluyan nang umalis si Dela Rosa sa gusali.
Nagdeploy na rin ng tracker teams ang mga awtoridad upang hanapin at arestuhin ang senador. KRIS JOSE