MANILA, Philippines – Nakahandang tuntunin at arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senador Jinggoy Estrada kasunod ng pag-iisyu ng Sandiganbayan ng arrest warrant, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.
Nitong Biyernes, Mayo 29 ay nag-isyu ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Estrada kaugnay ng kanyang graft case.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Matibag na ang NBI bilang isang law enforcement agency ay nakahandang magpatupad ng warrant.
“As a law enforcement agency, as soon as we get copy of the warrant, we will enforce it. We will locate the Senator Estrada,” sinabi ni Matibag nang tanungin kung ano ang tungkulin ng NBI sa paglalabas ng warrant laban sa senador.
Nakahanda rin aniya ang NBI na arestuhin si Estrada sa Senado kung magtatago ito roon at sinabing mayroong dalawang option ang senador, ang boluntaryong sumuko o arestuhin.
“If he doesn’t surrender, we will go to arrest him, and hand over jurisdiction to the Sandiganbayan.”
“The jail is always ready for anyone who wants to go to jail,” sinabi ni Matibag. RNT/JGC