Home NATIONWIDE Topacio naghain ng petisyon sa SC na kastiguhin si Elago

Topacio naghain ng petisyon sa SC na kastiguhin si Elago

76
0

MANILA, Philippines – Naghain si Atty. Ferdinand Topacio ng petisyon sa Supreme Court para panagutin ng indirect contempt si Gabriela Rep. Sarah Elago.

Ayon kay Topacio, nilabag ni Elago ang confidentiality rule ng disbarment proceedings nang ibunyag nito sa internal advisory at sa press na siya ang tinutukoy, kahit hindi siya direktang pinangalanan.

Giit niya, confidential ang disbarment complaint dahil makakasira ito sa reputasyon ng abugado bago pa mapatunayan kung guilty o hindi.

Isinampa ni Elago ang disbarment case noong Marso dahil sa umano’y bastos at hindi magalang na pahayag ni Topacio laban sa kanya, na layong ibaba at patahimikin ang mga babae.

Depensa naman ni Topacio, “bahagi lang ng mainit na palitan ng ideya” ang kanyang sinabi at wala siyang intensyong mang-insulto.

Tinawag naman ng Gabriela Women’s Party na “nakakaawa at politikal” ang petisyon ni Topacio.

Anila, nagkukunwaring biktima si Topacio at gumagamit ng legal na pananakot para ilihis ang atensyon mula sa sarili niyang maling pag-uugali. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here