Home NATIONWIDE Pag-atake sa Senate majority itinanggi ni PBBM

Pag-atake sa Senate majority itinanggi ni PBBM

72
0

MANILA, Philippines – MARIING itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na target ng administrasyon ang 13-man Senate majority bloc, sabay sabing ang legal case na isinampa laban sa ilan sa mga ito ay resulta ng flood control investigation.

“Hindi ko alam kung paano napunta na sinasabi na ‘yung majority ngayon ang tina-target. Dahil kung tutuusin ninyo, hindi sila majority noon. So, that does not apply. It was because of the allegations that were made and the investigations that were conducted upon learning of those allegations against kung sino man,” ayon sa Pangulo.

“And kung ano man ang naging alignment sa Senado, walang kinalaman ‘yun. Ito pa rin ang mga tao na lumabas ang mga pangalan doon sa… Kung titingnan ninyo, kung saan pinagbabasehan lahat itong mga ito ay doon sa testimonya sa Blue Ribbon Committee. Doon naman lumabas lahat ito,” dagdag na wika nito.

Tinuran ng Pangulo na ang Senate Blue Ribbon Committee, dating inupuan ni Senator Panfilo Lacson bilang chairman, basta lang ibinigay ang findings sa Office of the Ombudsman at Department of Justice.

Binigyang diin ng Pangulo na ang imbestigasyon at findings ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay walang kinalaman kung sino ang nasa Senate minority o majority bloc.

“Almost a year ago, ang sinabi ko sa (taumbayan), kailangan malaman ng buong (taumbayan) ang buong katotohanan,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Noong pinag-aaralan ng Ombudsman, ng Department of Justice, lahat ng mga alegasyon na dumating dahil sa flood control, maraming nagsasabi, bakit wala pang nangyayari? Bakit ang tagal ninyo? Namimili lang yata kayo kung sino ‘yung ipo-prosecute ninyo. Ngayon, nandito na at dahan dahan lumalabas na ang katotohanan,” aniya pa rin.

Aniya pa, kung ang mga senador na nadadawit sa kontrobersiya ay naniniwalang wala silang ginawang mali, lalabas din naman aniya ang katotohanan sa kalaunan.

“Ang pinakamaganda, kung talagang may kaso, kung sila ba naman ay walang ginawang mali, ay lalabas naman ‘yan sa pagsusuri ng paghusga,” aniya pa rin.

Samantala, itinanggi rin ni Pangulong Marcos na may ‘kamay’ siya pagdating sa pagbabago sa Senate leadership.

“Malacañang doesn’t give a rubber stamp to the Senate President. The Senate President is decided by the senators themselves,” ayon sa Pangulo.

“Is he implying that I somehow choose the Senate President? I think you ask any senator. Me, as a former senator, I will laugh in your face because that’s simply not true. Uutusan mo ‘yung senador na ito ‘yung iboboto mo? Parang out of this world ‘yata ‘yung mga usapang ganoon,” dagdag na wika nito.

Tugon ito ng Pangulo sa sinabi ni Senator Rodante Marcoleta na tanging ang Senate presidency lamang ni Alan Peter Cayetano ang walang basbas ng Malakanyang. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here