MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtataas sa national police clearance fee mula P150 patungong P200.
Sa public advisory, sinabi ng PNP na “proposes an adjustment in the National Police Clearance fee from P150 to P170, citing inflation, rising operational costs, and P30 Documentary Stamp Tax compliance.”
Sa infographic, sinabi ng PNP na ang P20 ay idadagdag para sa “inflation adjustment.”
Ang pagtaas ay ipinanukala rin para tumugon sa DST requirements na mandato ng batas. RNT/JGC