Home HOME BANNER STORY Ilang majority senators maaaring magpresenta ng ebidensya ng pagbabanta – Alan Cayetano

Ilang majority senators maaaring magpresenta ng ebidensya ng pagbabanta – Alan Cayetano

46
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Allan Peter Cayetano na ilan sa mga miyembro ng mayorya ay may pagkakataon na maglabas ng mga ebidensya ng pagbabanta na natanggap nila mula sa administrasyon para pwersahang lumipat sa minorya at bumuo ng bagong majority at liderato.

Ito ang sinabi ni Senate Presidente Alan Peter Cayetano sa kanyang Facebook live kung saan inakusahan niya ang Malakanyang na pinagbabantaan ang mga kaalyado sa mayorya.

“Wala kaming problema kung sa korte ay patunayan na sila ay guilty o hindi. Ang problema po namin yung gagamitin yung threat na pag lumipat ka dito, wala ka nang kaso. ‘Pag diyan ka, tutuluyan ka namin,” sinabi ni Cayetano.

“In the next few days, option po ng mga senador na maglabas ng ebidensya ng pananakot para hindi namin mabuo yung independent na Senate,” dagdag pa niya.

Inilarawan ni Cayetano ang kasalukuyang Senate majority bilang “first truly independent majority,” at itinanggi ang mga kritisismo sa ilalim ng kanyang pamumuno na wala umano sa kaayusan.

“Paulit-ulit sinasabing magulo ang Senate— hindi po. In this administration since 2022, it’s the first time po na nagkaroon ng majority at Senate president… na wala pong kamay ang Malacañang sa pagpili ng Senate president at ng mga komite.” Cayetano said in his Facebook live on Friday.

“And so I can dare say that this is the first fully independent majority,” dagdag ni Cayetano.

Habang nasa Tokyo, tinanong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa sinabi ni Senador Rodante Marcoleta na ang kasalukuyang liderato ng Senado lamang ang walang basbas ng Pangulo.

“Malacañang does not give a rubber stamp to the Senate President. The Senate President is decided by the senators themselves,” ani Marcos.

“Is he implying that somehow I choose the Senate President? Ask me as a former senator, and I will laugh in your face,” dagdag pa niya.

Si Senador Jinggoy Estrada ay miyembro ng mayorya na sinampahan ng reklamong plunder at graft dahil sa P573 milyong umano’y insertion, alokasyon at kickback sa flood control project.

Nakapagpiyansa ito ng P90,000 para sa graft case.

Samantala, sinabi ng Ombudsman na si acting majority leader Sen. Joel Villanueva naman ang susunod na sasampahan ng reklamo sa korte.

Nahaharap din sa reklamong alleged plunder sina Senador Francis Escudero at Rodante Marcoleta.

Ayon kay Cayetano, sa isang demokrasya, tinitingnan ang kalayaan ng judiciary at legislative branch mula sa executive upang masiguro ang checks and balances sa pamahalaan.

Kung mayroon umanong dapat sisihin sa pinakahuling komosyon sa Senado ay ang mga senador o grupo na ‘not comfortable with having an independent Senate.’

“Kaya, whether you talk about the 11, yung onse, or you talk about supporters nila, when you talk about some elements in the national government like the NBI, for example, sila po ang nanggugulo because hindi sila komportable na independent ang senado,” ani Cayetano.

“Let me clarify, ha, hindi pa namin pinagbobotohan yung amendment na papayag po sa teleconferencing or online na ang boboto. Wala pa po kami doon. Ang pinagbobotohan po ay whether or not pag-uusapan ito,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here