Home METRO Drug lab sinalakay sa isla sa OccMin; 2 arestado

Drug lab sinalakay sa isla sa OccMin; 2 arestado

30
0

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Dalawang suspek ang inaresto matapos salakayin ng Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies ang isang hinihinalang ilegal na drug laboratory sa isang liblib na isla sa Looc, Occidental Mindoro.

Ayon sa Occidental Mindoro Police Provincial Office (OMPPO), isinagawa ang operasyon sa Sitio Kaybunga, Barangay Bulacan sa Golo Island, bahagi ng Lubang Group of Islands, kung saan umano ginagawa ang shabu o methamphetamine hydrochloride.

Nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang kemikal na posibleng gamit bilang precursor materials, pati na rin ang liquid substances, white crystalline materials, chemical-processing equipment, reactor vessel, distillation tank, generator set, protective gear, drums, storage tanks, hoses, at weighing scales na hinihinalang ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.

Kinilala ang dalawang naaresto sa alyas na “Pit,” 63, at “Tin,” 51.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga nakumpiskang kemikal ay isasailalim sa pagsusuri at dokumentasyon ng PDEA-NCR para sa tamang disposisyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng operasyon.

Nagpahayag naman ng pag-aalala si Looc Mayor Marlon Dela Torre dahil sa pagkakadiskubre ng drug lab sa isang lugar na kilala umanong tahimik at payapa, at sinabing magpapatupad ng mas mahigpit na pagbabantay sa seguridad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here