MANILA, Philippines – Isa ang iniulat na nasawi sa naganap na sunog sa Baseco, Port Area sa Maynila nitong Sabado matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay.
Sa final report mula sa Baseco Satellite Office at sa ilalim ni Chairman Diana Espinosa, ang biktima ay nakilalang si Karim Montes Natividad, 18 taong gulang ngĀ Block 1 Dubai, Baseco.
Nasa 85 pamilya o 340 indibidwal naman ang naapektuhan sa sunog.
Nagsimula ang sunog alas 11:26 ng umaga at idineklarang fireout 12:56 ng tanghali kung saan umabot sa ikatlong alarma.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog at ang kabuoang pinsala ng mga ari-arian at kabahayan na natupok ng apoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden