Home METRO Mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, umakyat na sa 12

Mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, umakyat na sa 12

33
0

PAMPANGA, Philippines – Umabot na sa 12 ang bilang ng mga nasawi matapos gumuho ang isang gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Central Luzon, narekober ang ika-12 biktima bandang 4:12 a.m. nitong Hunyo 1 habang nagpapatuloy ang search and retrieval operations.

Natagpuan muna ang biktima noong gabi ng Mayo 31 bago tuluyang naiahon makalipas ang ilang oras.

“The operation required extensive debris removal and access creation using pry bars, sledge hammers, jack hammers, and acetylene cutting equipment. These tools enabled responders to break through concrete, cut steel obstructions, and safely reach the casualty’s location within the collapse site,” ayon sa BFP Central Luzon.

Nagsagawa rin ng disinfection procedures ang Angeles City Health Office upang maprotektahan ang mga responder sa lugar.

Patuloy pa rin ang search and retrieval operations sa gumuhong gusali. Sa kabuuan, 27 sa 47 biktima ang nailigtas habang walo pa ang nananatiling nawawala.

Ang insidente ay nangyari noong Mayo 24, 2026, nang gumuho ang gusaling nasa ilalim pa ng konstruksyon sa Angeles City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here