Home NATIONWIDE Lider ng Vietnam dumating sa Maynila para sa state visit

Lider ng Vietnam dumating sa Maynila para sa state visit

25
0

MANILA, Philippines – Dumating sa Maynila nitong Linggo, Mayo 31 si Vietnam President at Communist Party chief Tô Lâm para sa dalawang araw na state visit sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang state visit sa bansa ng isang pinuno ng Communist Party ng Vietnam. Ang pagbisita ay mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1 sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinalubong si Lâm at ang kanyang delegasyon sa Villamor Air Base sa Pasay City ng mga opisyal ng Pilipinas at Vietnam.

Layunin ng pagbisita na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng kalakalan, seguridad, at kooperasyong pandagat. Inaasahan ding mapalawak ang pagtutulungan sa agrikultura, logistics, digital economy, renewable energy, pangingisda, at maritime economy.

Mahalaga rin ang pagbisitang ito dahil papalapit na ang ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa. Nakatakda rin itong makatulong sa pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam.

Ang dalawang bansa ay parehong mayroong mahalagang papel sa rehiyon ng Southeast Asia at patuloy na nagpapalakas ng kooperasyon sa gitna ng mga usaping panseguridad at pang-ekonomiya sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here