Home NATIONWIDE Defense Team ni VP Sara, maghaharap ng 4 testigo vs hidden wealth,...

Defense Team ni VP Sara, maghaharap ng 4 testigo vs hidden wealth, CALE 88 Foods 

8
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy bukas, Nobyembre 19, ang impeachment trial ni Vice President Sara Z. Duterte sa Senado kung saan nakatakdang humarap ang apat na bagong testigo ng depensa para sagutin ang alegasyon ng unexplained wealth.

Batay sa Defense Manifestation para sa pagdinig sa Nobyembre 19-20 na magsisimula ng alas-10 ng umaga, nakalista ang mga sumusunod na testigo na haharap sa ilalim ng Subpoena Ad Testificandum at Duces Tecum para kontrahin ang Article II:

1.  *Atty. Rainer Dela Fuente (AML Consulting PH)* – magpapatotoo sa mga batayang konsepto sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act (AMLA);

2.  *Dr. Ceferino S. Rodolfo (DTI Undersecretary / BOI Managing Head)* – magpapatotoo sa rehistro ng Cale88 Foods Corporation sa Board of Investments (BOI);

3.  *Dir. Pilar Marilyn M. Pagayunan, MBA (FDA Center for Food Regulation and Research)* – magpapatotoo sa FDA product registration ng Cale88 Foods para sa sweetened banana chips;

4.  *Rowena G. Mendoza (Department Manager III, CITEM) at/o kinatawan ng CITEM* – magpapatotoo sa mga komunikasyon at imbitasyon ng DTI/CITEM sa Cale88 Foods para sa mga food exposition.

Sa ngayon, dinidinig ng Senate impeachment court ang Article II matapos bawiin ng House prosecution ang tatlo pang articles of impeachment.

Nakasentro ang natitirang kaso sa alegasyong may hindi maipaliwanag na yaman si  na aabot sa hindi bababa sa P817.87 milyon at mga hindi dineklarang ari-arian.

Sinimulan ng depensa ang paglalahad ng ebidensya noong Nobyembre 9.

Sa mga naunang pagdinig, humarap ang isang assessor ng Davao City na tinanong hinggil sa ari-ariang nakarehistro umano sa asawa ni Duterte na si Atty. Manases Carpio, at isang city accountant na nagpaliwanag sa bayad na ginawa sa bise presidente — na kapwa nahirapan umano sa cross-examination.

Kabilang sa mga tinututukan ng prosekusyon ang pinagmulan ng pondo at operasyon ng Cale88 Foods Corporation, na iniuugnay sa pamilya Duterte-Carpio at sinasabing may kaugnayan sa mga kinukwestiyong transaksyon at ari-arian.

Bago ang pagdinig bukas, binawi ng depensa ang 16 na bank officers mula sa orihinal nitong listahan ng mga testigo, dahilan para mabawasan ang bilang ng mga ihaharap.

Giit ng depensa, sinusuportahan ng kanilang mga dokumento at testigo ang asset declarations ni Duterte at ang legalidad ng mga transaksyon ng Cale88 Foods.

Giit naman ni House Deputy Speaker Janette Garin nitong Sabado, posibleng matapos pa bago mag-Disyembre ang trial dahil sa paghihirap umano ng mga testigo ng depensa na ipagtanggol ang mga alegasyon.

Magpapatuloy ang paglalahad ng ebidensya ng depensa sa Nobyembre 19 at 20, na may inaasahan pang pagdinig sa Disyembre. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here