Home METRO Operasyon ng ilang korte sa Ilocos Sur, Albay suspendido sa Nov. 19

Operasyon ng ilang korte sa Ilocos Sur, Albay suspendido sa Nov. 19

2
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng ilang korte sa Ilocos Sur at Albay sa Huwebes, Nobyembre 19, 2026, dahil sa power interruption.

Batay sa anunsiyo ng Supreme Court (SC), kabilang sa mga apektado ang Regional Trial Court (RTC) Branch 24 sa Cabugao at Municipal Trial Courts (MTC) ng Cabugao at Sinait sa Ilocos Sur.

Wala ring operasyon ang RTC Office of the Clerk of Court, Branches 71, 23 at 8-Family Court, gayundin ang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) sa Candon City.

Sa Albay, suspendido naman ang operasyon ng lahat ng korte sa Legazpi City, Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Camalig-Jovellar, at Family Court Branch 2 sa Daraga.

Kasama rin sa suspensyon ang Municipal Trial Court sa Daraga.

Ayon sa Korte Suprema, dulot ng power interruption ang pansamantalang pagtigil ng operasyon sa mga nasabing hukuman.

Pinapayuhan ang mga may nakatakdang transaksyon o pagdinig na makipag-ugnayan sa kani-kanilang korte at subaybayan ang mga opisyal na anunsiyo para sa karagdagang impormasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here