Home HOME BANNER STORY Korapsyon, nasa DNA na ng gobyerno — VP Sara

Korapsyon, nasa DNA na ng gobyerno — VP Sara

1
0

MANILA, Philippines – Malalim nang nakaugat sa pamahalaan ang korapsyon na patuloy na humahadlang sa pag-unlad ng bansa, ayon kay Vice President Sara Duterte.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 18, sinabi ng Bise Presidente na malaking hadlang ang korapsyon sa pangarap ng mga Pilipino na magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Binalikan ni Duterte sa kanyang post ang pagdalo sa 52nd Philippine Business Conference and Expo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) noong Oktubre.

Ayon sa kanya, ang korapsyon ay isang lumalalang suliranin na nakatanim na sa mismong sistema ng gobyerno, habang ang mga ordinaryong Pilipino ang patuloy na dumaranas ng mga epekto nito.

Iginiit ng Bise Presidente na may pananagutan din ang bawat mamamayan sa paglaban sa korapsyon, pagsunod sa batas, pakikilahok sa demokrasya at paghingi ng pananagutan sa mga namumuno.

“Nation-building is a shared responsibility,” ani Duterte.

Matatandaang kasalukuyang nahaharap ang Bise Presidente sa impeachment trial sa Senado kaugnay ng alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.

Batay sa pagsusuring iniharap ng prosekusyon, tinatayang P817.87 milyon hanggang P1.5 bilyon ang umano’y unexplained wealth at hindi naideklarang ari-arian na kinasasangkutan ng Bise Presidente at ng kanyang asawa.

Mariin namang itinanggi ni Duterte at ng kanyang defense team ang mga akusasyon at kinuwestiyon ang mga ebidensiyang ginamit laban sa kanya.

Iginiit din ng Bise Presidente na may bahid ng pamumulitika ang mga reklamong inihain laban sa kanya.

Wala pang pinal na desisyon ang Senate impeachment court sa natitirang kaso laban kay Duterte. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here