PAMPANGA, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang Korean National na isang High Value Individual (HVI), matapos makorner ang suspek sa ikinasang buybust operation ng pulisya nitong Miyerkules ng Umaga, November 18, 2026, sa Mabalacat City, Pampanga.
Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Kyoung”, 29 anyos, na isang Korean National at pansamanatalang naninirahan sa naturang lugar.
Nadakip ang suspek matapos maaktuhang nagbenta ng iligal na droga sa undercover police.
Sa operasyon, nasamsam sa suspek ang nasa 180 tablets hinihinalang ecstacy o mas Kilala na party drugs na tinatayang may halagang P306,000 at 159 Pods ng suspected Liquid Ketamine at 100 grams suspected Ketamine powder na may standard drug price ng P936,000, na sa Kabuuan ay nasa P1,242,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Sa report, unang isinagawa ang buybust sa isang Lugar sa Angeles City, pero sa kasagsagan ng transaksiyon, binago umano ng suspek ang Lugar ng tagpuan kung saan ito nakorner.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong banyaga na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ROEL TARAYAO/kuha ni Val Leonardo