MANILA, Philippines – Inaasahang magsusumite ngayong Lunes, Hunyo 1, ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng kanilang sagot sa mga articles of impeachment na inihain laban sa kanya sa Senado.
Ayon kay Michael Poa, isa sa mga abogado ni Duterte, pinag-aaralan pa nila kung personal na ihahain ang kanilang sagot o ipapadala ito sa pamamagitan ng email. Ang Hunyo 1 ang itinakdang deadline ng Senado para sa pagsusumite ng tugon, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Nakatakdang magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6. Dahil dito, magpapatupad ang Senado ng mas mahigpit na seguridad katuwang ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang mapanatili ang kaayusan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng gusali ng Senado. RNT/MND