BUNIA, Congo – Bumisita ang Director-General ng World Health Organization (WHO) na si Tedros Adhanom Ghebreyesus sa Bunia, ang itinuturing na sentro ng kasalukuyang Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo (DRC), upang palakasin ang tugon laban sa pagkalat ng sakit.
Sa kanyang pagbisita, sinabi ni Tedros na kailangan ang mas malawak na tulong mula sa international community at mas matibay na “community ownership” upang mapigil ang pagkalat ng Ebola, kabilang ang pagresolba sa mistrust at maling impormasyon sa mga komunidad.
Ayon sa WHO, nakikipagtulungan sila sa pamahalaan ng Congo upang mapabilis ang response efforts habang patuloy ang pagdami ng mga kaso sa rehiyon. Tinututukan din ang pagpapalakas ng health response at suporta sa mga apektadong lugar.
Ang outbreak ay patuloy na binabantayan dahil mabilis ang pagkalat ng sakit sa ilang bahagi ng eastern Congo, dahilan para mas mapalakas pa ang koordinasyon ng mga ahensya at internasyonal na tulong. RNT/MND