Home NATIONWIDE Paglipat ng ilang military equipment, malapit nang pagkasunduan ng PH, Japan

Paglipat ng ilang military equipment, malapit nang pagkasunduan ng PH, Japan

27
0

MANILA, Philippines – Nasa mas malapit na usapan ngayon ang Pilipinas at Japan para sa posibleng paglipat ng ilang military equipment, kabilang ang mga destroyer ships at isang patrol/spy aircraft, bilang bahagi ng pagpapalawak ng depensa ng bansa.

Ayon sa ulat, nagkasundo ang Department of National Defense (DND) at Japanese Defense Ministry na ituloy ang diskusyon para sa transfer ng mga Abukuma-class destroyer escorts at TC-90 patrol aircraft sa Pilipinas.

Ito ang itinuturing na isa sa pinakamalaking hakbang sa lumalalim na defense cooperation ng dalawang bansa, lalo na sa gitna ng mas pinaigting na tensyon sa Indo-Pacific region.

Saklaw din ng kasunduan ang mga detalye tulad ng pagsasanay ng Philippine Navy personnel, maintenance, at suporta sa paggamit ng mga equipment kapag naipasa na ito sa bansa.

Ayon sa mga opisyal, bahagi ito ng mas malawak na plano ng Pilipinas na palakasin ang ugnayan nito sa mga kaalyado at palawakin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Patuloy pa ang negosasyon at wala pang final na bilang ng mga destroyers at aircraft na tuluyang ililipat sa Pilipinas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here