Home NATIONWIDE 1,400 human bone fragments na narekober sa Bulkang Taal – PNP

1,400 human bone fragments na narekober sa Bulkang Taal – PNP

38
0

MANILA, Philippines – Nasa 1,400 human bone fragments ang narekober sa Bulkang Taal kaugnay sa imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Hunyo 1.

Sa press briefing, sinabi ni PNP Forensic Group director Police Colonel Pierre Paul Carpio na ang forensic teams ay nagsasagawa ng extensive search at recovery operations sa lawa mula noong Hulyo 2025.

“We have 134 disaster victim identification operations. From those operations, around 2,000 pieces of evidence were recovered, including bones—both human and animal—as well as artifacts and other personal effects,” ani Carpio.

“These were subjected to proper examination and procedures. After analysis, we have identified a total of 1,400 human bone fragments,” dagdag pa niya.

Ayon kay Carpio, ang mga narekober na labi ay sumailalim sa medical-legal examination, anthropological analysis, radiographic imaging, dental examination, at DNA testing.

Pahirapan naman ang identification efforts dahil sa kondisyon ng mga buto at kalidad ng tubig sa Lawa ng Taal.

Ani Carpio, ang tubig sa lawa ay acidic at may minerals gaya ng magnesium, aluminum, at sodium, dahilan para mas mabilis masira ang mga buto.

Pinahihina din ng temperatura ng lawa ang DNA evidence.

Dahil sa kondisyong ito, ang forensic teams ay gumagawa ng comprehensive testing approach na nagsusuri sa iba’t ibang bahagi ng mga narekober na buto para mapataas ang tsansa na makakuha ng viable DNA profiles.

Maaari namang humingi ng tulong ang PNP sa foreign laboratories kabilang ang Japan.

Matatandaan na naglabas ng arrest warrants ang mga awtoridad laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pa, kaugnay sa multiple counts ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Itinanggi naman ni Ang ang alegasyon, ngunit ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap ito sa pabuyang P20 milyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here