Home HOME BANNER STORY Kasong plunder, graft ipinababasura ng kampo ni Estrada sa Sandiganbayan

Kasong plunder, graft ipinababasura ng kampo ni Estrada sa Sandiganbayan

29
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng kampo ni Senador Jinggoy Estrada nitong Lunes, Hunyo 1, ang Sandiganbayan na ibasura ang kasong plunder at two counts ng graft na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay sa maanomalyang flood control project.

“Nag-file kami ng mga omnibus motion upang alamin ng mga magistrado kung makatotohanan ba ang mga paratang laban kay Senator Jinggoy,” saad sa pahayag ni Atty. Noel Ostrea.

“Kasama iyong [motion to quash] pero mas malawak ang sakop ng omnibus motion para lahat ng mga legal na dahilan para mapawalang-sala si Senator Jinggoy ay mailahad sa hukuman,” dagdag pa niya.

Itinuturo ng prosekusyon si Estrada na nagbulsa ng nasa P573 milyong halaga ng kickback sa flood control projects.

Si Estrada ay may pending na kasong plunder at graft sa Fifth Division at graft case naman sa Second Division.

Nauna nang nag-isyu ng warrant of arrest ang Second Division laban kay Estrada noong Mayo 29.

Sa kaparehong araw ay nagpiyansa si Estrada ng P90,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Bukod sa motion to quash, si Estrada ay may pending din na urgent motion para i-withdraw ang paglalabas ng warrant of arrest sa Sandiganbayan Fifth at Second Division. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here