MANILA, Philippines – Nakansela ang nakatakdang pagbisita ni Vietnamese President and Communist Party General Secretary Tô Lâm sa Senado ngayong Lunes, Hunyo 1.
Sa report, sinabi ng Office of International Relations and Protocol ng Senado na kinansela ng Vietnamese government ang pagbisita at planong meeting nina Lâm at Senate President Alan Peter Cayetano.
Wala namang paliwanag sa dahilan ng kanselasyon.
Bilang pag-abang sana sa pagbisita ay iniurong ng Senado ang plenary session ngayong Lunes ng alas-5 ng hapon sa halip na alas-3 ng hapon.
Si Lâm ay dumating sa Manila nitong Linggo para sa two-day state visit sa Pilipinas mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1, na marka ng kauna-unahang state visit ng top party leader ng Vietnam sa Pilipinas. RNT/JGC