MANILA, Philippines – Dapat magbigay ng ‘substantive answer’ si Vice President Sara Duterte sa mga alegasyon laban na nagtulak para sa impeachment case laban sa kanya, ayon kay House prosecution spokesperson at Kabataan party-list Rep. Renee Co nitong Lunes, Hunyo 1.
Si Duterte ay mayroong hanggang alas-7 ng gabi para maghain ng kanyang sagot sa Articles of Impeachment sa impeachment court.
Sa pahayag, sinabi ni Co na dapat ay direktang sagutin ni Duterte ang mga akusasyon na may kinalaman sa impeachment complaint sa halip na umasa sa procedural o technical arguments.
“To answer is to be accountable,” ani Co, at sinabing ang impeachment process ay “proper and necessary” at hindi dapat isipin bilang pamumulitika.
Si Duterte ay nahaharap sa mga akusasyon ng maling paggamit ng confidential funds, panunuhol sa mga opisyal ng Department of Education para baluktutin ang procurement rules, at ang unexplained wealth, kasabay ng pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady at sa dating House speaker.
Itinakdang magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6. RNT/JGC