Home METRO Rice retailer sa Maynila huli sa paglabag sa price cap sa bigas

Rice retailer sa Maynila huli sa paglabag sa price cap sa bigas

39
0

MANILA, Philippines – Posibleng pagmultahin at patawan ng kasong kriminal ang isang rice retailer sa Trabajo Public Market, Sampaloc, Manila matapos itong mahuli ng Department of Agriculture sa akto ng pagtatago ng tunay na presyo ng imported na bigas.

Sa “Nationwide Simultaneous Market Inspection” ng DA umaga ng Lunes, Hunyo 1, mismong si DA Inspectorate & Enforcement Asec. Willie Ann Angsiy ang nakakita na minadali ng tindera ang pagpalit ng price tag.

Mula P55/kilo ay ginawang P50/kilo lang bago pa mag-ikot ang mga DA officials.

Ibig sabihin, sinadya nilang i-tago ang paglabag sa P50 price cap ng gobyerno para sa imported rice.

Sa parehong palengke, may mga nagtitinda ring nag-label ng “local rice” pero natuklasan ng DA na imported.

Kumuha na ng samples ang DA para sa masusing pagsusuri.

Inisyuhan na ng DA ng notice of violation ang mga retailer, at binigyan ng 48 oras para magpaliwanag at sagutin ang reklamo bukod pa sa kakaharaping multa at kasong kriminal.

Paalala ng DA, mahigpit na ipatutupad ang price cap kung saan hindi lang overpricing ang babantayan pati ang mislabeling ng bigas para lokohin ang mamimili.

Ipinaalala rin ng DA sa publiko na kung may makitang bigas na mataas sa P50/kilo o may pagdududa sa label ay agad na ireport sa ahenysa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here