MANILA, Philippines – Suportado ni House Committee on Labor and Employment Chairperson Rep. Jolo Revilla ang inisyatiba ng bagong talagang si Labor Secretary Francis Tolentino na palakasin ang puwersa ng mga labor inspector sa bansa.
Sa datos ng DOLE ay mayroong 1,210 labor inspectors ang ahensya subalit 447 lamang sa mga ito ang aktwal na nag-iinspeksyon sa may 13 regional offices ng ahensya.
“The figure speaks for itself. While DOLE may have 1,210 labor inspectors on paper, only 447 are actively conducting inspections in workplaces across the 13 regions. That number cannot be expected to effectively monitor the thousands of establishments operating nationwide. If we want stronger enforcement of labor laws, we must provide DOLE with the manpower and resources necessary to do its job,” pahayag ni Revilla.
Aniya, ang mungkahi ni Tolentino ay patunay sa katotohanang matagal nang batid ng mga labor advocate, manggagawa, at mga responsableng employer na may epektibong pagpapatupad ng labor laws ay nagsisimula sa isang may kakayahan at sapat na bilang ng mga tauhan sa pag-iinspeksyon.
“Labor inspectors are the frontline guardians of workers’ rights. They ensure compliance with labor standards, occupational safety requirements, and workplace regulations. Their work helps protect workers from abuse while promoting a culture of compliance among employers,” dagdag pa ni Revilla.
Iginiit ni Revilla na hindi sapat na mungkahi lamang, ang kailangan ay may pondong ibibigay sa DOLE para tuluyang mai-hire ang mga karagdagang tauhan.
“That is why I fully support Secretary Tolentino’s call for a higher personnel services budget. We can train all the inspectors we want, but without funding for actual positions, the manpower gap will remain,” paliwanag ng mambabatas.
Bilang pinuno ng labor committee sa Kamara, nangako si Revilla na makikipagtulungan nang husto sa DOLE sa panahon ng deliberasyon ng pambansang budget upang matiyak na masusuri at matutugunan nang maayos ang pangangailangan ng ahensya sa mga tauhan.
Idinagdag din ni Revilla na ang mas mahigpit na labor inspection ay kapaki-pakinabang din sa mga lehitimong negosyo dahil sinisiguro nito ang “level playing field” kung saan ang lahat ng employer ay sumusunod sa parehong pamantayan at obligasyon sa ilalim ng batas. Gail Mendoza