Home NATIONWIDE Malakanyang pumalag sa sinabi ni Pulong, pagkapanalo ni PBBM utang na loob...

Malakanyang pumalag sa sinabi ni Pulong, pagkapanalo ni PBBM utang na loob kay VP Sara

21
0

MANILA, Philippines – PINALAGAN ng Malakanyang ang sinabi ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte na nanalo lamang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong 2022 presidential race dahil sa kanyang running mate at ngayon ay Bise-Presidente na si Sara Duterte.

“UniTeam sila. Hindi mo pwedeng sabihin na ito ay dahil lamang kay Pangulong Marcos Jr. o dahil lamang kay Bise Presidente. UniTeam, ibig sabihin nagkaisa sila,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Nauna rito, tila pinaalala kasi ni Pulong Duterte ang sinabi ni Pangulong Marcos na walang pagsisisi ang huli sa pagtakbo kasama si Vice President Sara Duterte.

“Tama ka diyan. Wala ka talagang dapat pagsisihan. Because the truth is simple—without Sara Duterte, you would not have won by the margin that you did,” diing pahayag ni Pulong Duterte.

“The UniTeam coalition delivered votes from north to south. History will always show that your victory was built not on the Marcos name, but on the trust and support commanded by Vice President Sara Duterte,” dagdag na pahayag ni Pulong Duterte.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Marcos na labis siyang nag-aalala na maaaring hindi ituloy ni VP Sara ang kanyang mga nasimulan at baguhin nito ang kanyang mga nasimulan sakali at maupo siya (VP Sara) bilang Pangulo ng bansa.

Si Pangulong Marcos ay nakatanggap ng 31 million votes noong 2022 polls habang si VP Sara naman ay nakatanggap ng 32 million votes.

Gayunman, sinabi pa rin ni Pulong Duterte na ang Pangulo ay walang monopolyo ng mandato na ibinigay sa kanya ng mamamayang filipino at walang legacy, sa pagsisimula.

“Nakakapagtataka na ngayon ay parang gusto mong palabasing ikaw lang ang may ambag sa mandato na ibinigay ng taumbayan. Instead of worrying about who might “undo” your legacy, perhaps the bigger question is whether there is a legacy that Filipinos can genuinely point to beyond speeches, slogans, and photo opportunities,” anito.

“Mr. Bangag, dahil ikaw mismo ang nagsalita na parang napakarami mong naitayong “reforms” na maaaring sirain ng iba, kailangan ding may magtanong: ano ba talaga ang mga repormang iyon?” aniya pa rin.

“Malapit na naman ang SONA mo. Baka puwede mong isa-isahin nang malinaw ang mga nagawa mo na ramdam ng ordinaryong Pilipino. Hindi iyong puro English buzzwords, bagong slogans, at scripted applause mula sa mga kongresistang nakapila para mag-standing ovation. Ang gusto marinig ng tao ay resulta, hindi production number,” dagdag na pahayag nito.

“Ngayon, bakit ibinibigay lamang sa Pangulo ang mandato? Eh Pangulo po siya eh. Pangalawa, sino po ba nagtatrabaho at sino po ba nagbabakasyon? Sino ang tuloy-tuloy na nag-aaruga sa ating mga kababayan at sino rin ba yung tuloy-tuloy na wala sa bansa?” ang sinabi naman ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here