[UPDATED]
MANILA, Philippines – Tuluyan nang inaresto si Senador Jinggoy Estrada ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder kaugnay ng flood control projects.
Pasado alas-tres ng hapon, dumating ang court server ng Sandiganbayan kasama ang ilang pulisya na diretsong nagtungo sa tanggapan ni Estrada sa Senado upang isinilbi ang warrant of arrest.
Hindi pumalag si Estrada at kusang tinanggap ang warrant of arrest saka nagsagawa ng press conference hinggi sa pagdakip
Sa kanyang press conference, nananatiling nandigan si Estrada na walang katotohanan ang paratang ng ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).








