MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga miyembro ng minority bloc na makiisa sa mayorya sa pagtatanggol sa kalayaan ng Senado kasunod ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder.
Sa inilabas na pahayag matapos hindi dumalo sa sesyon ang mga senador ng mayorya, sinabi ni Cayetano na nahaharap sa hamon ang kalayaan ng Senado at nanawagan siya ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba ng mga paksyon.
“I am speaking truth that each senator already knows — the independence of this institution, and the legal standing of any of its members, are not currencies. The day they become things to be traded, is the day that the Senate is diminished. And after the Senate, the Republic,” aniya.
Hinimok ni Cayetano ang minorya na makibahagi sa isang simbolikong hakbang sa pamamagitan ng pagpapahintulot na “manahimik” muna ang Senado bilang pagpapakita ng paninindigan para sa kalayaan ng institusyon.
“So I put one question to you, not as the majority but as the chamber: will you stand for the Senate’s independence? I am asking you to join one deliberate act — to let the Senate go quiet, together and by choice, so the country is made to ask why a co-equal branch would fall silent rather than be made to serve,” dagdag niya.
Dumating ang panawagan matapos sumuko si Estrada sa mga awtoridad kasunod ng paglalabas ng Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa flood control scandal. Nauna nang sinabi ni Estrada na may nagsabi umanong mawawala ang kanyang kaso kung sasama siya sa minorya upang bumuo ng bagong mayorya.
Kinilala ni Cayetano ang pagkakaiba ng mayorya at minorya ngunit iginiit na ang mga usapin ng Senado ay dapat nitong resolbahin nang mag-isa.
“But no matter our disagreements, we must all agree that it is the Senate’s own business to settle. This chamber answers to God and the people who sent us here, and to no one outside these walls,” aniya.
Nanawagan din siya sa mga senador na huwag hayaang diktahan ng partidong pulitika ang direksiyon ng Senado.
“The door is open. What you do with it is yours to answer — to this institution, and to the people watching it,” dagdag ni Cayetano.