Home NATIONWIDE Luzon, Visayas uulanin sa Habagat

Luzon, Visayas uulanin sa Habagat

19
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas ngayong Martes dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro, habang makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang nalalabing bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar.

Samantala, posibleng makaranas ng mga pulu-pulong pag-ulan at thunderstorms ang nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Katamtamang lakas ng hangin at alon ang inaasahan sa Extreme Northern Luzon, habang mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang pag-alon ng dagat naman ang mararanasan sa iba pang bahagi ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here