Home NATIONWIDE Panawagang ‘katahimikan’ ni SP Cayetano, inisnab ng minorya sa Senado

Panawagang ‘katahimikan’ ni SP Cayetano, inisnab ng minorya sa Senado

25
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Senate minority bloc ang panawagan ni Senate President Alan Peter Cayetano na hayaang “manahimik” ang Senado matapos arestuhin si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong plunder, at iginiit na usapin ito ng pananagutan at rule of law, hindi ng kalayaan ng Senado.

Sa pahayag ng grupong “Solid Bloc 11,” sinabi nitong dapat ipagpatuloy ng Senado ang trabaho nito sa halip na itigil ang sesyon.

“Let us focus on the work, because the Senate has serious business before it, and if the majority wants to protest, deliver privilege speeches, or defend its position, the proper place to do that is on the floor, not by making the chamber stand still,” ayon sa minorya.

Iginiit din ng grupo na hindi dapat ilarawan bilang pag-atake sa Senado ang pag-aresto kay Estrada.

“The claim that this is about Senate independence is false, because what happened today was about the rule of law, public accountability, and a lawful process before the Ombudsman and the Sandiganbayan that no senator, no bloc, and no presiding officer controls,” ayon sa pahayag.

Ayon sa minorya, maraming mahahalagang panukalang batas at usapin ang hindi natalakay dahil sa hindi pagdalo ng mayorya sa sesyon, kabilang ang Magna Carta of Barangay Health Workers, Anti-Hospital Detention Bill, at mga nakabinbing kumpirmasyon sa Commission on Appointments. Itinuring din nila ang pag-aresto kay Estrada bilang hakbang tungo sa pananagutan kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.

“Sa totoo lang, ang gusto nila ay kampihan, hindi prinsipyo,” ayon sa minorya.

Dagdag pa ng grupo, present at handang magtrabaho ang lahat ng 11 miyembro ng minorya noong Lunes at kinuwestiyon nila kung magpapatuloy pa ang mayorya sa hindi pagdalo sa mga susunod na sesyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here