Home NATIONWIDE Comelec, ‘all set’ na para sa kauna-unahang BARMM elections

Comelec, ‘all set’ na para sa kauna-unahang BARMM elections

57
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na handa na ito para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakatakda sa Setyembre 14, 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sinimulan na ng poll body ang hardware acceptance test ng 6,500 automated counting machines (ACMs) upang matiyak na maayos ang kondisyon ng mga ito bago gamitin sa halalan.

“We are inspecting them one by one so that if there is a defect, it is immediately set aside. The entire machine is checked, not just the defective part,” ani Garcia.

Matapos ang testing phase, sasailalim pa ang mga ACM sa simulation exercises at pre-logic and accuracy tests bago mabigyan ng pinal na sertipikasyon.

Magde-deploy din ang Comelec ng mga contingency machine, ekstrang baterya at repair hubs sa bawat lalawigan ng BARMM upang maiwasan ang aberya sa araw ng halalan.

“It is not always guaranteed that there will be no glitches, but what is important is having a contingency plan so the elections can proceed. Our instruction is: no failure of elections in any precinct,” ani Garcia.

Sinabi rin niya na pinag-aaralan ng Comelec ang panukalang itaas ang shading threshold ng ACM mula 15 porsiyento tungo sa 25 porsiyento, bagama’t nananatiling mataas ang accuracy rate ng mga makina sa nakaraang halalan.

Nakikipag-ugnayan din ang Comelec sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang malinaw na matukoy at maitala ang mga insidenteng may kaugnayan sa halalan.

Samantala, ipatutupad ang gun ban mula Hulyo 16 hanggang Setyembre 29 para sa BARMM elections. Hinimok ni Garcia ang publiko na sumunod sa naturang patakaran, matapos maaresto ang halos 16,000 katao dahil sa paglabag sa gun ban noong 2025 elections. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here