Home NATIONWIDE Literacy crisis inamin ng DepEd: 87% ng Grade 11 hirap umintindi ng...

Literacy crisis inamin ng DepEd: 87% ng Grade 11 hirap umintindi ng binabasa

17
0

MANILA, Philippines – Inamin ng Department of Education (DepEd) ang lalim ng literacy crisis sa bansa matapos lumabas sa pagsusuri na 87 porsiyento ng mga Grade 11 student ay itinuturing na non-independent readers.

Ayon kay DepEd Undersecretary Carmela Oracion, ang problema ay bunga ng matagal nang naipong learning gaps at hindi nagsimula sa senior high school.

“Gusto kong sabihin na 87 is no small number… I’d like to state very clearly that DepEd recognizes that this is very serious,” ani Oracion.

Ipinaliwanag niya na ang krisis sa pagbasa ay dulot ng kombinasyon ng kahirapan, kakulangan ng suporta sa tahanan, limitadong access sa mga babasahin at learning materials, mga pagkaantala sa klase, at learning losses na dulot ng pandemya.

“When a Grade 11 learner…struggles to read independently, it signals that the problem did not start in senior high school…This is a cumulative gap that has come to be over a period of time,” aniya.

Kinilala rin ni Oracion na ang kasalukuyang sitwasyon ay sumasalamin sa mas malawak na suliranin sa sistema ng edukasyon.

“I agree that whatever problem we are facing now, as indicated by the assessment results, is really a broader failure of the education system. I will not say that it is a broader failure of the K-12 system,” dagdag niya.

Bilang tugon, nagpatupad ang DepEd ng summer remediation program para sa senior high school students at magsasagawa ng literacy assessment mula Hunyo 8 hanggang 11 upang matukoy ang mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta.

Umaasa rin ang ahensya na makatutulong ang bagong three-term school calendar sa learning recovery sa pamamagitan ng nakalaang panahon para sa pagtuturo, remediation, enrichment, at iba pang school activities.

Aminado rin si Oracion na nananatiling hamon ang mabigat na trabaho ng mga guro sa kabila ng mga repormang ipinatutupad upang mabawasan ang kanilang administrative workload. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here